16

Airport. O sa tagalog, paliparan. Maraming nangyayari dun na parang tipong sa mga movies lang napapanood. Gaya ng makabagdamdaming mga tagpo. Mga umaatikabong aksyon. At higit sa lahat, walang humpay na iyakan. Bakit ko nasabi yun? let’s just say ang isang parte ko ay nagibang bansa at nandun sa paliparan nangyari ang lahat.

ito ay isang kwento tungkol ng paghahabol ng pagibig sa paliparan. Na sana maabutan mo sya at sana mahagkan sya hanggang sa huling sandali.

Madami akong iniisip nung mga sandali na yun nung papunta ako noong araw na yun eto ang ilan sa mga yun:

  • “ANG TRAFFIC MAHUHULI NA ATA AKO.”
  • “Nakarating na kaya sya dun(airport)?”
  • “Bakit ba kasi ang layo ng airport dito?”
  • “Bakit ba kasi me airport?”
  • “Sana wala nalang airport para walang eroplano.”
  • “tama! kung walang eroplano, walang aalis.”
  • “kung walang aalis, walang maiiwan”
  • “kung walang maiiwan, walang malulungkot”
  • “sino ba kasi nakaimbento ng eroplano!?”
  • “sana mamatay na yung nakaimbento na yun, ay wait. patay na pala yun.”
  • “sana okay lang sya”
  • “ANG TRAFFIC TALAGA!”

Marami pa akong inisip gaya ng kung bakit ambagal ng sasakyan pag nagmamadali ka, kung bakit siksikan sa bus, at kung bakit nakangiti yung lalaki sa akin na parang nakakita sya ng magandang babae. pero lalake ako.

Gusto ko bumagal oras. Gusto ko ang bawat segundo ay magtagal ng isang oras. Sana lumipad tong bus. Sana may biglang mga boosters na lumabas sa tambutso. Sana jumper nalang ako. Pero di ko alam itsura ng airport e… wala din.

Mabilis ang takbo ng oras pero ang sinsasakyan ko hindi. pinagpapawisan ako kahit naka aircon yung bus. napapamura sa tuwing nahinto ang bus. Madaming ‘@’ at ‘!’ ang lumalabas sa aking utak na siguro kung naging comic strip yung eksenang yun, hindi magkakasya sa word balloon kasi sa dami ng mura.

Nag vibrate cellphone ko. Alam ko na yung text na yun na nandun na sya sa airport at papasok na. pero nung pagtingin ko, 4438 pala. meron na daw akong 112 points. napamura nanaman ako. pero this time, nasabi ko yung mura. buti nalang, walang nagtinginan. nang biglang natanggap ko na yung text na talagang kinakatakutan ko, nandun na daw sya sa airport.

Biglang nagunaw mundo ko. sumisilip mga luha at nakita ang mundo. okay lang nakashades naman ako e. hindi ako umabot. hindi ako umabot. hindi ako umabot. hindi ako umabot. oo, hindi ako umabot. parang biglang nag 2012. parang biglang naglaglagan mga bituwin sa langit. parang biglang nagkaalbum ng bago yung cueshe.

tumingin ako sa langit at tinanong kung bakit sa nangyari sakin to parang mga artista sa mga movies. dumating ako ng airport ng mga 10 mins after nya makapasok. tumambay lang ako sa labas. tinatanaw ko yung pintuan baka sakaling masulyapan ko pa. pero wala na. tinext ko nalang sya.

kaya,

para sayo, hihintayin kita. tandaan mo yan, sa pagdating mo, ako ang unang sasalubong sayo. ipapalaman kita sa aking pagmahahal. sana bumalik ka na. miss na miss na kita. mahal na mahal na mahal kita. magiingat ka dyan ah. <3 :3

-teh author

    • chillman mais
    • December 15th, 2010

    hahaha. sayang kung dun sana sa bagong airport kahit tulungan mo pa siya mag weigh ng luggage nya. haha tas coffee pa kayo sa loob. haha masaya dun e. di katulad ng concept ng lumang airport

    • chocoyey
    • December 16th, 2010

    wew

  1. pangpelikula nga,,,,,
    ang ganda sana ng eksena tipong medyo teart-eyed at hindi mo na mapapansin ang katabi mo pag gnito na ang tagpo sa pelikula…
    pera sa totoong nuhay..nkakalungkot…
    di bale may internet naman.. hehee..

    padaan… :)

    • yeah. thanks for reading ohyesek. can you share this blog to your friends? thanks :)

    • 16
    • December 24th, 2010

    panalo.

  2. awww sayang naman..siguro may rason kung bakit hindi mo siya inabutan.. ang sad talaga :(

    • thanks for dropping by katy. :) share this blog to your friends ha? i write every 2-3 days. check my other posts too :)

      -teh Author

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.