2 – Paano ba magpalipas oras?
Maaga akong nagising kanina. Mga 8? Or 9? Kasi nilalamig ako e. bukod sa nakatutok sa akin yung electric fan kanina, malamig talaga yung hangin. Kasi nga december na! para bang nasa loob ka ng refigirator na naka 4 yung setting. Oo 4 lang. nasa pilipinas e.
As usual, feeling ko nanaman me kulang sa akin. Lagi naman. Parang toothpaste pag walang toothbrush. Parang kumot at pag walang unan. Parang short at tshirt, parang drumstick at drums, parang terrorist at counter-terrorist. Parang john and marcia, Parang si Quasimodo at si Esmeralda kahit umaasa si quasimodo na mahalin sya ni girlie. Parang si ludacris at si justin beib- … ok enough.
Ilang araw palang sya nawawala pero parang 1 year na. parang isang siglo na ang lumipas. Matanda na akong naghihintay na hipan lang ng hangin. Puti na aking buhok. Pero di pa din nagbabago ang aking pagmamahal. Sya pa din at sya ang laging laman neto -> <3
Ang problema nga lang, pagpapalipas ng oras. Parang ang tagal lumipas ng isang oras lalo na pag naghihintay ka ng harvest mo or energy pack. Matagal talaga pag binibilang ang oras. Kaya ang ginagawa ng iba, madaming ginagawa or pang baling lang ng atensyon. Eto ginagawa ko para bumilis oras. Minsan nauubusan lang ako ng ginagawa kaya natutulala ako.
Pero sa mga katulad kong na stuck din sa paghihintay, eto yung mga suggestions kong activity para maging worthwhile at masaya ang paghihintay sa mahal nyo sa buhay.
1. Matulog – dapat pagkatulog mo ngayon, gising mo bukas para success.
2. Makinig ng Music – minsan nakakatulong din. Makinig ng mga metal music like Megadeth, Metallica, slipknot … possibilities are endless.
3. Mag aral ng bagong skill – minsan di masama kung marunong ka mag ganchilyo lalo na’t lalake ka.
4. Mag karoon ng crush na artista – para sasayangin mo oras mo manood ng tv or mag surf sa web ng mga videos nya.
5. Mag aral ng ibang language – Chenelyn Bonggang mabyonda ang mudra iketch kanina tapos mangboylet sa tabi ng chenes.
6. Mag laro ka ng mga video games – mas maganda kung yung lalaruin mo yung hindi mo trip na genre para di ka magsawa. Kung lalake ka, hanap ka ng laro na me mga hello kitty, or barbie. Kung babae, mga wrestling or nba. Pero the best pa din ang gta.
7. Makipag communicate sa mga friends – kamustahin mo naman sila, baka sad din sila.
8. Makipag communicate kay lord – tanong mo na din kung bakit sa’yo pa nangyari yun.
9. Manood ng manood ng maraming tv – hindi naman magugunaw ang mundo pag nanonood ka ng pilipinas win na win o wiling willie e. PROTIP: try mo din sumali baka manalo ka pa ng sangkatutak na pera.
10. Magbasa ng mga libro – oo narinig ko si Ellen Adarna yung cover ng FHM ngayong december.
ehem ehem.
In short, gawin ang paghihirap maging chansa ng pag seself improve sa sarili para pag nagkita kayo, mas gwapo/maganda ka at marami ka pang makukwento sa kanya.
number 7 is interesting =)))) baka malungkot para mapa saya =))))
thats what friends do
Bet ko ‘tong >>> 5. Mag aral ng ibang language – Chenelyn Bonggang mabyonda ang mudra iketch kanina tapos mangboylet sa tabi ng chenes. — Hahahaha !! Kahit may mali. xD Sorry naman .. Imma Bekimon. xD
Ay sorry. ngayon ko lang kasi nagamit yan. thanks for reading Chenelyn Kembot. share this blog with your friends will ya? thanks
No prob. I will post this on my tumblr site. <3
thanks
You never fail to make my day. I will share this blog once again. Buti nakita ko na updated ulit
thanks dude. be sure to check this blog every 2 days or so for new updates.