3 – Pasko, Paksiw

Gawin naman nating parang tv show ang blog na to para maiba naman

Ang nakaraan … *tugudung*

nababagot ang ating bida, bakasyon kasi. walang mga kalaban na mga robot na sisira ng syudad. walang mga epal na kontrabida na magpapahina sa kanya. lahat sila on vacation. yung ibang mga kalaban, busy sa pag d dvd marathon. yun nga lang ang pinapanood nila ay puro korean na palabas. balita ko BOF pinapanood nila…

“pif” sabi ni bidang tatawagin natin sa pangalang Quartz. angas ng pangalan no? nung pinanganak kasi sya, hindi kasi din alam ng magulang ang itatawag sa kanya. suggestion nung nurse, Piolo. ayaw nung mama nya kasi para daw pang silahis. sabi naman nung tatay nya, Erning nalang para cool. ayaw din. hanggang dumaan ang isang oras na wala pa din syang pangalan. sabi nung Doctor, “nurse. anong oras na?”… “docs Quartser to eights” sagot nung ni Nurse na medyo may diperensya sa pagsasalita. At doon na derive ang pangalan nya.

so tinatanong mo kung anong kinalaman nya sa post ngayon? wala, gusto ko lang mag kwento. Pwede mo nang i close yung broswer mo kung na dismaya ka or ituloy mo nalang yung kwento kung naawa ka  sakin.

ayun. back to the story.

Si Quarts ay may kakaibang talento. kumakain sya ng shampoo. hindi joke lang. meron syang super powers gaya ng ibang mga imbang superhero na sila superman, batman, aquaman, spiderman, wonderman, lolo thunder, boy bawang, super lolo,  whistle bom- ay wait pangalan na ata ng paputok yun.

anyways, mutant sya. well siguro di ko na i didiscuss kung pano sya naging super hero pero ito ang mga super nyang kayang gawin. lumipad, tumalon ng mataas, mag kamehame wave, ray gun, maging taong lobo na kulay pink, at marami pang iba na hindi ko na kaya i type kasi tinatamad na ako… pero sa lahat ng iyon, meron syang hindi kayang gawin… ang mahuli ang puso ng kanyang crush na si Jolina.

maraming beses na nyang naligtas si jolina sa panganib… sa pagkahulog sa building sa ikalawang palapag, nung na puwing sa mata, nung nabulunan, nung nagkamali ng lunok ng laway, nung nakagat yung dila, nung nag lbm, etc, etc, laging nandyan si Quartz para sa kanya.

ang tanging hindi lang magawa ni Quartz ay mag “hi”. or mag “hello” man lang. ewan ko ba. siguro ganun talaga kasi crush nga. hindi ka makapag salita ever. e gustong gusto nya talaga yung babae kasi sya ang right girl for her (feeling nya)…

one day, nag kasabay sila kumain sa isang restaurant. hindi inaasahan ni Quarts na pupunta si babae dun at makikishare sa isang table… as in super unexpected talaga.

kung ikaw si Quartz, anong gagawin mo?

leave your answers below.

thanks :)

-teh Author

    • chillman mais
    • December 29th, 2010

    hahaha syempre kwentuhin tapos smile. superhero na supertorpe. haha

  1. Edi mega smile nalang .. ‘di naman mahirap yun ehh .. xD

    PS.
    Naalala ko tuloy yung kwento ni Rogelio Manglicmot sa “Kapitan Sino”. Super mega torpe din sya kay Teng/Tessa. Nyehehehe.. xD

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.